Tuesday, September 02, 2008

paalam, tiya dely

hindi ako makapaniwala. wala na si tiya dely magpayo.

si tiya dely ang isa sa mga idol ko sa radyo.

simula nung high school ako pinakikinggan ko na yung programa niya sa radyo na "ang mga liham kay tiya dely" at "ang tangi kong pag-ibig." walang humpay ang pakikinig ko sa mga programang iyon sa dzrh pwera lang kung may pasok ako noon. minsan pa nga naisip kong magpadala ng sulat sa kanya pero wala naman akong makukuwentong mabigat na problema o di kaya naman patungkol sa pag-ibig.

hindi ba't bagay na bagay ang pangalan niya sa kanyang ginagawa? kung napakinggan niyo yung "ang mga liham kay tiya dely," alam niyo kung paano magbigay ng payo si tiya dely sa mga letter sender niya---diretsahan at walang takot kahit ang ibig sabihin nun ay pagsasabihan niya yung letter sender. (yun ay kung walang sentido kumon yung tao lang naman). limampu't limang taon na ang programang ito at hanggang sa huli marami pa ring nakikinig at nagpapadala ng sulat.

sa halos pitumpung taon niya sa radyo, marami na siyang natanggap na mga gawad-parangal. ganoon siya kagaling.

dahil sa pakikinig ko sa mga programa ni tiya dely, lalo akong nahasa sa pananagalog ko. nakatulong rin ito nang malaki sa bago kong trabaho ngayon. nagkaroon ako ng pagkakataong mapakinggan ang mga awitin ng ilan sa mga pilipinong mang-aawit tulad nina ric manrique at sylvia la torre. (marami pang iba pero sa ngayon di ko maalala ang mga pangalan nila). at higit sa lahat, lalo ko ring napahalagahan ang ating kultura.

nakalulungkot mang isipin na wala na si tiya dely, siguradong maraming magagandang alaala siyang naiwan sa mga kasamahan niya sa radyo at lalo sa kanyang mga tagapakinig. isa na ako doon.


with apologies to my foreign blogfriends who might be reading this post. i felt i should write this post in filipino in respect to tiya dely magpayo, one of the most respected radio personalities here in the philippines who just passed away due to stroke. TT_TT she's one of the people in the industry i look up to and she has even made a difference in my life, tho she doesn't know it. you can read the news item about her passing here.

19 comments:

  1. Even until the time I was there, I still listened to Tiya Dely's radio program while driving home. Walang kupas talaga ang taong to dahil she sounded the same as when I was in High School. Truth to tell, nagpadala pa ko nun ng kwento, pero halata yatang gawa-gawa kaya di nakalusot. :-)

    ReplyDelete
  2. This is indeed very sad news. We had lost an institution and a lady who always conducted herself with dignity. Tia Dely died doing what she always loved doing.

    My earliest memory of Tia Dely was hearing her voice on DZMM in the afternoons as soon as I got up from my afternoon siesta. My yaya at the time listened to her radio program. This was in the pre-martial law years. She, her calm soothing voice, and the life lessons she imparted to legions of listeners will certainly be missed.

    ReplyDelete
  3. I'm sorry po to hear about her passing na ... It's always hard, di ba?

    ReplyDelete
  4. truly an icon. may she rest in peace.

    ReplyDelete
  5. She was indeed a legend, so much so that the mere mention of the name, "Tiya Dely" would instantly evoke memories of lazy afternoons as a kid listening to her radio show with the yaya... just like panaderos, hehe.

    Anyway, she died doing what she loved best, and I bet she wouldn't want it any other way.

    ReplyDelete
  6. sigh. di talaga natin masasabi ang mangyayari. I just read sa newspaper the other day na ok na si Tiya Dely. tas kahapon patay na. Ma mimiss cya ng lola ko.Hehehe.

    Anyway, I'm sure nasa masayang daigdig na cya with Zorayda Sanchez

    ReplyDelete
  7. Paran kailan lang napapakingan ko pa sya sa radyo pag ako'y nagmamaneho mag isa sa probinsya. Nakakalungkot.

    ReplyDelete
  8. hindi ko na siya masyadong naabutan kasi hindi rin ako masyadong nakikinig ng radyo. pero ika nga nila dami niyang na impluwensiyahan. kaya may she rest in peace.

    ReplyDelete
  9. Hi lotts. I thought of cheering u up by making u laugh with my borderline psycotic lines, but i thought it would be insensitive of me. anw, it's sad to say goodbye to our idols (for me it's like saying goodbye to mirrors or medications) but nothing's permanent, we have to face these things.

    Cheer up.

    ReplyDelete
  10. narinig ko nga yan sa radyo sa umaga nung isang araw kay mike enriquez habang trapik sa edsa...isang institusyon

    ReplyDelete
  11. How sad - sorry for your loss!

    Hope you can have a nice end to your week anyway =)

    ReplyDelete
  12. Sad to hear about her passing away. But I don't know her. Maybe because I grew up in Mindanao and her radio program never reaches our town.

    ReplyDelete
  13. i'm so sorry to hear about your tiya, ate c... sending my love and prayers.

    ReplyDelete
  14. i haven't heard her on ther adio pero sa TV palagi siya nadidinig. icon siguro siya talaga.

    ReplyDelete
  15. hi everyone, thanks for commenting. yup, tiya dely was and still is an institution in the philippine radio industry. i agree that she died doing what she loved best and wouldn't want it any other way. *sigh* at least she's in a better place now, tho i still can't believe it. :(

    ReplyDelete
  16. r-yo, baka nga nahalatang gawa-gawa mo yung sulat. sana sa ang tangi kong pag-ibig ikaw nagpadala, baka naisadula pa yun hihihi =)

    ReplyDelete
  17. Hindi ko alam na pumanaw na pala si Tiya Dely. Ang nanay ko ay laging nakikinig sa kanyang programa sa tuwing hapon. Bata pa ako noon ng maging bahagi na siya ng aking buhay. Sa kanya nga ata ako na-inspire sa aking pagsusulat ng mga kuwento ng nasa grade six ako na king binabasa sa buong klase pagkatapos ng recess sa tuwing Biyernes.

    Nakakalungkot naman pero sana hindi na siya naghirap sa kanyang pagpanaw.

    ReplyDelete
  18. Nakakalungkot ang pag panaw ni Tiya Dely. Nguni't sa huling sandali eh ginagawa niya ang kanyang "passion" at mahal na propesyon.

    I would love to go that way, if I can. Doing what I love most. To a great lady... paalam po!

    ReplyDelete

Virent Ova! Viret Perna!!